Martin

Speaker Romualdez suportado si PBBM sa pagtulak ng mas pinagiting na alyansa

177 Views

Para sa kapayapaan, katatagan ng SCS at kabuuan ng Asya 

INIHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kaniyang buong suporta sa posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagtibayin ang alyansa ng Pilipinas sa ibang bansa para mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea at kabuuan ng Asian region.

Ang pahayag ni Romualdez ay kanyang ginawa sa gitna ng nagpapatuloy na usapan sa pagitan ng Pilipinas at Japan kaugnay ng pagkakaroon ng reciprocal access agreement (RAA) paa sa paglalayag ng mga militar sa pinag-aagawang teritoryo sa rehiyon.

Sa naging pahayag ng Pangulo sa kanilang pulong ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa gilid ng ika-50 Commemorative Summit ng ASEAN-Japan Friendship and Cooperation sa Tokyo, sinabi ni Pang. Marcos na kapwa makikinabang ang Pilipinas at Japan sa planong RAA para masiguro ang kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific region.

“The collaboration between the Philippines and Japan, as well as our alliance with other like-minded nations, is crucial in addressing the growing challenges we face in the region,” saad ni Speaker Romualdez, pinuno ng Kamara na may mahigit 300 miyembro.

“It is evident that the complexities of the current geopolitical climate, particularly the aggressive actions of China in the South China Sea, require robust and cooperative solutions,” dagdag ni Romualdez.

Gaya ng alalahanin ng presidente, binigyang diin ni Romualdez ang pangangailangan para sa isang tuloy-tuloy na dayalogo at payapang negosasyon sa pagitan ng mga partido.

“While we remain committed to defending our national interests and upholding our sovereign rights, it is equally imperative to pursue diplomatic avenues and peaceful engagements,” wika pa ng lider ng Kamara.

Binigyang-diin din ng Speaker ang kahalagahan ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong 2016 na nagpawalang-bisa sa ginagawang malawakang pag-angkin ng China sa South China Sea.

“This ruling is an essential component of the legal framework governing our actions and stands as a testament to our commitment to international law and order,” aniya.

Kasabay nito ay nanawagan si Romualdez para sa higit na pandaigdigang kooperasyon at pagkakaisa sa pagtugon sa mga hamon sa South China Sea.

“The safety and prosperity of our region hinge on our ability to work together. The Philippines, under the leadership of President Marcos, remains steadfast in its resolve to promote regional stability, peace, and progress,” sabi pa nito.

Tinukoy pa nito na sa ilalim ng administrasyong Marcos ang tinatayuan ng Pilipinas nag isang polisiya na tumatalima sa international rules-based order at titiyak sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific region.