Vic Reyes

Speaker Romualdez talagang mahusay na lider

Vic Reyes Mar 9, 2025
21 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Saudi Arabia at Oman.

Binabati rin natin sina: Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Chato Coronel, Aimi Houchii, La Dy Pinky, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at ang kasangga ng mga Pinoy sa Japan na si Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)

***

May kasabihan tayong mga Pilipino, lalo na sa kanayunan, na kaya binabato ang isang punong-kahoy dahil mabunga ito.

Sa tingin ng marami, kasama na ang mga ordinaryong tao, ganyan ang nangyayari kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ng Leyte.

Kung anu-anong isyu ang ipinupukol sa kanya dahil kitang-kita ang mabungang panunungkulan niya bilang pinuno ng House of Representatives,

Nakagugulat at nakamamangha ang mga ginagawa ni Speaker Romualdez sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Dahil sa kanyang husay at sipag, “very smooth at speedy” ang passage ng mga panukalang batas sa House of Representatives.

Kasama na ang mga panukalang batas at programa na isinusulong ng administrasyon ng pinsang si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Mabilis ang pagpasa sa “legislative agenda” ng administrasyon pero nagdadaan ito sa tamang proseso. Walang “railroading” na nangyayari.

Marami nga ang nagsasabi na ang House of Representatives ngayon ay parang isang world-class na “orchestra.”

Ang mga kongresista, na mahigit na 300 (district at party-list), ay talagang sumusunod sa kumpas ng kanilang “conductor” na si Speaker Romualdez.

Sa tingin natin, isa talagang mahusay na lider si Speaker Romualdez.

Akalain mo bang magawa niyang sumuporta sa administrasyon ang mahigit na 300 kongresista na galing sa iba’t-ibang parte ng bansa.

Hindi birong tagumpay ‘yan dahil may iba’t ibang pananaw, paniniwala at ugali ang mga kongresista.

Iyong makuha mo ang suporta nila para tulungan si Pangulong Marcos sa kanyang misyong mapaganda ang buhay ng mga kabayan natin ay nakabibilib talaga.

At inaasahan nating mananatili ang suporta ng House of Representatives sa pamunuan ni Pangulong Marcos.

Salamat po, Speaker Romualdez sa suporta mo sa panunungkulan ng inyong pinsang si Bongbong Marcos.

Marami pa kayong magagawa upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan.

***

Habang papalapit ang eleksyon ay tuwang-tuwa ang taumbayan.

Kahit kasi pansamantala, nagkakaroon sila ng trabaho bilang taga-dikit ng campaign materials sa common poster areas.

Pansamantala lang ang trabahong ito. Pero nagtitiyaga ang mga ito sa pag-asang makapasok sila sa gobyerno.

Ang talagang pakay nila ay makuha sila bilang casual, contractual o consultant sa mga munisipyo pagkatapos ng eleksyon.

Sabi nga ng ilang taga-pamudmod ng polyeto , tatlong taon silang makikinabang kapag nanalo ang kanilang manok.

Parang sugal daw ang politika. Dapat tumaya ka at kung palarin, suwerte mo dahil ikaw ang uunahing tulungan pagkatapos ng halalan.

Hindi puwedeng nasa gitna ka lang sa panahon ng kampanya.

***

Marami ang natutuwa dahil nandiyan na ang summer months.

Pero ang problema lang ay sobra naman ang init ng panahon sa maraming parte ng bansa.

May mga nahi-heat stroke na. Ang mga tuwang-tuwa ay ang mga nakatira malapit sa mga malalaking shopping mall.

Puwede silang magpalipas ng maghapon sa loob ng mga mall kahit wala silang kapera-pera,

Ang masakit ay wala na silang magawa kung nasa shopping mall sila palagi.

Menus gastos lang kasi hindi na nila kailangang gumamit pa ng aircon o electric fan.