Remulla

Special election sa Cavite itinulak ng Kamara

245 Views

Pinagtibay ng Kamara de Representantes ang isang resolusyon para sa pagsasagawa ng special election sa ikapitong distrito ng Cavite.

Layunin ng House Resolution 100 na punan ang nakabanteng puwesto ni Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla na itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang Justice Secretary.

Ang resolusyon ay akda ni Speaker Martin G. Romualdez, na pansamantalang caretaker ng distrito habang wala pang naihahalal na kapalit ni Remulla.