Bonoan

14 national road hindi madaanan dahil sa lindol

170 Views

NASA 14 na national road ang hindi madaanan matapos na masira sanhi ng magnitude 7 lindol.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) marami sa mga kalsadang ito ang nabagsakan ng mga malalaking bato at lupa, samantalang ang ilan ay nagkaroon ng mga bitak.

Kabilang sa mga kalsadang apektado ang Abra – Kalinga Road, Abra – Ilocos Norte Road, at Abra-Cervantes Road, at Calaba Bridge, at Biweng Bridge.

Nagpadala na umano ang DPWH ng mga quick response team sa iba’t ibang apektadong lugar upang maayos ang problema.

“Our teams of engineers are conducting assessment to evaluate the structural integrity and damage caused by the earthquake as we simultaneously clear debris along national roads and bridges,” sabi ni Public Works Secretary Manuel Bonoan sa isang pahayag.