Frasco

Sports tourism inilunsad ni Rep. Frasco sa Camotes Islands

Mar Rodriguez Aug 10, 2023
207 Views

Frasco1Frasco2UPANG makahikayat pa ng napakaraming turista at maisulong ang “physical fitness” sa Cebu City. Inilunsad ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang “Team Frasco” sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sports tourism sa Camotes Islands.

Sinabi ni Frasco na nakatakda nilang ilunsad ang Team Frasco Sports Tourism sa darating na September 2, 2023 na gaganapin sa Santiago Public Beach sa Munisipalidad ng San Francisco, Camotes Islands na naglalayong maisulong ang physical fitness at turismo ng lalawigan.

Ipinaliwanag ni Frasco, kilalang sportsman at lumahok narin sa mga major marathons at triathlon sa ibang bansa, na ang Team Frasco Sports Tourism ay isang 60 kilometer bike ride. Kabilang na dito ang 5 kilometer fun run na unang inilunsad noong 2021 sa Distrito ng kongresista.

Ayon kay Frasco, layunin ng nasabing sports event na hindi lamang mai-promote ang physical fitness sa kanilang lalawigan. Bagkos, maisulong din ang turismo ng Cebu City na makakahikayat ng napakaraming dayuhan at lokal na turista.

“This sports event aims to provide opportunities to engage in sports beneficial to people’s overall well-being while promoting local tourism and support local businesses and vendors,” ayon pa kay Frasco.