Calendar
Star Magic stars nakapagtrabaho na, nakapamasyal pa sa Amerika
OVER 20 stars ng Star Magic ng ABS-CBN na naging bahagi ng “Beyond The Stars” concert tour in the US which covered New York City, San Francisco and Los Angeles, California kabilang sina Zanjoe Marudo, Kim Chiu, Maymay Entrata , Donny Pangilinan, Belle Mariano, Alexa Ilacad, Darren Espanto, AC Bonifacio and KD Estrada, among others are coming back to the Philippines this week.
Hinding-hindi makakalimutan ng mga Kapamilya stars ang kanilang naging experience in the US. Bukod kasi sa nakapagbigay sila ng kasiyahan sa ating mga kababayan doon, kakaibang bonding ang nabuo sa grupo plus ‘yung opportunity na makapamasyal at makapag-shopping. Nagsilbi na rin itong break sa kanilang sunud-sunod na trabaho sa Pilipinas.
Although work-related din ang punta nila sa Amerika, mas marami ang time nilang makapamasyal kaya super enjoy ang lahat.
Looking forward naman ang grupo na mapuntahan din nila ang iba pang bansa tulad ng Canada, Middle East, Europe, Australia, Japan, Hong Kong and Singapore at iba pang lugar to entertain our Kababayans.
Tessa handang umibig muli kahit sa mas bata
HIWALAY na ang popular socialite, interior designer, columnist, host, triathlete and businesswoman na si Tessa Prieto-Valdes sa kanyang businessman husband of 26 years na si Dennis Valdes considering that they just had their lavish silver wedding anniversary celebration nung June 24, 2019. The former couple have four children na sina Bryan, Tyrone, Jordan and Athena.
Apart from their being parents to their grown up children, may kani-kanya nang buhay ngayon ang dating mag-asawa.
Kung mahilig mag-travel noon ang dating couple, ipinagpapatuloy ito ngayon ni Tessa with her children or with her friends.
Traveling and exploring the world ay isa sa mga healing therapy.
Tessa is open to a new relationship kung may darating sa kanyang buhay and even willing to fall for a younger guy.
John sobra ang papuri kay Coco
SOBRA-sobra ang pasalamat ng actor na si John Estrada na siya’y naging bahagi na makasaysayang action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbidahan ni Coco Martin na siya ring tumayong creative head at isa sa mga director ng serye.
“Gusto ko lamang magbigay-pugay at magsabi ng maraming-maraming salamat sa taong ito (referring to Coco) na nagbigay ng pitong taong palabas na nagpaligaya sa napakaraming Pilipino sa buong mundo.
“Ang husay mo sa pag-arte, pagdidirek, sa paggawa ng istorya, sa pagiging isang leader at sa dedikasyon sa trabaho ay hindi matatawaran ng kahit sino man, wala kang katulad.
“Isa kang DIAMANTE sa industriyang ito.
“Saludo kami lahat sa `yo.
“Congrats, Co. Job well done. Mission accomplished.
“Mahal na mahal ka naming lahat,” post ni John sa kanyang Instagram account.
“Gusto ko ring magpasalamat sa ABS-CBN bosses na isinama ako dito sa Historic journey na ito. Kay Ninang Cory Vidanes, Boss Deo Endrinal ng Dreamscape, Laurenti Dyogi at kay Kylie Manalo, maraming-maraming salamat po,” dugtong pa niya.
Samantala, hindi lamang ang bumubuo ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang nakakaramdam ngayon ng sepanx (separation anxiety) kundi laluna ang mga manonood na sumubaybay sa serye sa loob ng pitong taon. Ang kanilang hapunan ay tiyak na mag-iiba na dahil wala na ang kanilang kinagigiliwan at kinasanayang serye na bahagi na ang kanilang gabi-gabing hapunan. It will take sometime for everyone to get over sa kanilang nakasanayang routine gabi-gabi.
Nakatatak na sa kanilang mga puso’t isipan ang sakripisyo at kadakilaang ipinakita ni Cardo Dalisay na maituturing ng marami, ang pinakabagong super hero ng makabagong henerasyon.
Although nagtapos na ang serye last Friday, August 12, mainit pa ring pinag-uusapan ang naging ending ng makasaysayang action-drama series sa telebisyon.
Samantala, malaking katanungan ngayon kung mapapantayan o di kaya malalagpasan ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang susunod na gagawing serye ni Coco na malamang sa 2023 na mangyari.
Baby boom sa showbiz patuloy
PATULOY ang celebrity baby boom sa taong ito.
Matapos makapagsilang sina Angeline Quinto, Rich Asuncion, Jade Lopez, Jennylyn Mercado, Dionne Monsanto, Winwyn Marquez at ang singer-comedian na si Kitkat, there are other expectant moms this year and early next year at ang mga ito ay sina Angelica Panganiban, Ynna Asistio, Solenn Heussaff, Jessy Mendiola at Iza Calzado, among others.
Except for Rich and Jennylyn, all the rest ay pawang first time moms.
Kinu-consider ni Iza na miracle ang kanyang pagbubuntis at age 40, her greatest birthday gift ever. She’s also currently celebrating her 20th year in showbiz.
Super excited naman ang estranged parents ni Luis Manzano na sina Vilma Santos-Recto at Edu Manzano sa kanilang magiging unang apo sa kanilang panganay na anak.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.