He's Into Her

‘He’s Into Her’ finale concert mapapanood na sa iWantTFC, KTX.PH

Eugene Asis Aug 15, 2022
166 Views

sabTrisha DeniseJon GuelasZion Aguirenameless kidsBiniBGYOMAPAPANOOD na ang “HIH All Access: The He’s Into Her Grand Finale Concert” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano saan man sa mundo sa iWantTFC at KTX.ph.

Para sa fans na hindi makakapunta sa concert sa Araneta Coliseum sa Agosto 27, pwede pa rin manood online sa livestreaming kapag bumili ng tickets sa iWantTFC o KTX.ph hanggang Agosto 27 ng 8:15 PM (Manila time).

Makakabili na ng tickets sa iWantTFC sa halagang P299 o US$5.99 para sa subscribers sa Pilipinas at Indonesia, habang available rin ito para sa iWantTFC premium subscribers sa ibang mga bansa. Para naman sa KTX.ph, available worldwide ang tickets sa halagang P299 o US$5.99.

Kaabang-abang ang mga kilig performances dahil bukod sa Donbelle at iba pa nilang “He’s Into Her” co-stars, may pasabog na mga sorpresa din ang special guests na sina SAB, Trisha Denise, Jon Guelas, Zion Aguirre, Nameless Kids, at ang P-pop groups na BINI at BGYO.

Siguradong siksik sa saya, kilig, at sorpresa ang finale concert, bilang handog ng “HIH” sa kanilang fans pagkatapos ng matagumpay na ikalawang season ng serye. Napapanood pa rin ang lahat ng episodes sa iWantTFC.

Samantala, makakabili pa rin ng tickets para sa concert sa Araneta Coliseum dahil available pa ang lower box (P1,000), upper box (P500), at gen ad tickets (P200) sa ticketnet.com.ph.

Huwag palampasin ang “HIH All Access: The He’s Into Her Grand Finale Concert” at bumili na ng tickets sa iWantTFC at KTX.ph.