Ibrahim

State of calamity idineklara sa BARMM

149 Views

NAGDEKLARA ng state of calamity ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa malawakang pag-ulan sa rehiyon.

Ayon sa Proclamation 3 na pirmado ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim tatagal ang state of calamity hanggang sa Oktobre 31, 2022.

Sa pagdedeklara ng state of calamity ay makakapagpatupad ng price control sa mga pangunahing bilihin at pangangailangan.

Magagamit din ng BARMM at mga lokal na pamahalaan sa ilalim nito ang pondo para sa rescue, recovery, relief, at rehabilitation efforts.

Makatutulong din umano ito upang madagdagan ang response operation at recovery effort ng Bangsamoro Government sa mga apektadong komunidad.

Inaatasan din sa proklamasyon ang lahat ng ministro at ahensya sa ilalim ng BARMM na tumulong sa mga apektadong pamilya at sa isinasagawang rehabilitasyon.