Marianito Augustin

State-of-the-art Sea Buses ng Liloan Pier 88 nagsimula ng umarangkada

232 Views

TALAGANG hindi matatawaran ang kasipagan ni House Deputy Speaker at Cebu City 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco sapagkat kamakailan lamang ay nagsimula ng umarangkada o maglayag ang “state-of-the-art” Sea Buses Liloan Pier 88 sa Cebu City.

Ang Liloan Pier 88 o Liloan Port ay ang “pet project” ni Congressman Frasco na matagal na panahong binalangkas at naisakatuparan nga ngayong taon para maging kombinyente ang paglalakbay ng mga Cebuano papunta sa kanilang trabaho at iba pang mga lugar sa Cebu City.

Dahil diyan, binabati at sinasaluduhan natin ang butihing kongresista ng Cebu City dahil sa kaniyang napakahusay na pamumuno o pamamahala sa kaniyang Distrito. Ang Sea Buses ay magbibigay ng malaking kaginhawahan sa mga pasaheto dahil ang dating dalwang oras na biyahe ay maging 35 minutes na lamang.

Sinabi pa ni Frasco na matatawag na isang “game changer” o isang makabuluhang pagbabago ang pagkakaroon ng diretsong ruta mula Pier 88 patungong Mactan Island para naman sa mga commuters ng North of Cebu partikular na sa lugar ng Liloan, Consolacion, Compostela at Danao City.

Binigyang diin ni Frasco na sa pamamagitan ng mga modernong Sea buses, mas mapapadali aniya ang pagbibiyahe ng mga Cebuano mula sa dating 1 hanggang 2 oras ay aabutin na lamang ito ng 30 hanggang 45 minutes. Habang ang pamasahe naman nito ay nagkakahalaga lamang ng P35.00.

Pagpapadala ng mga Pilipinong sundalo para mag-aral sa Beijing Military Academy ikinagulat ni Cong. Valeriano

NAGIMBAL kamakailan si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano dahil sa napabalitang nagpapadala ang pamahalaan ng Pilipinas ng mga Pilipinong sundalo o mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippine (AFP) para mag-aral sa Beijing Military Academy.

Bukod kay Valeriano pati ang mga Senador ay nagitla din matapos nilang mapag-alaman na ilang matataas na opisyal ng AFP ang nakapag-aral at nakapagtapos sa Beijing Military Academy na sinundan pa ng pagpapadala ulit ng panibagong batch ng mga military officers sa China.

Kaya naman sinabi ni Valeriano na hindi dapat ipagkibit-balikat ni President Bongbong Marcos ang naturang balita at kinakailangan umanong masusing imbestigahan ng pamahalaan ang isyu kung papaano nakapagpadala ng mga opisyal ng AFP sa China.

Binigyang diin ng kongresista na gaya ng paninindigan ng mga Senador, ganito rin ang kaniyang paniniwala na kailangan na aniyang mahinto ang pagpapadala ng mga mataas na opisyal ng AFP sa China para sa isang military schooling program kabilang na ang mga Kadete ng Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay Valeriano, isang malaking sampal para sa Pilipinas ang ginagawang pangbu-bully ng Chinese military sa mga tropa ng gobyerno sa pinagta-talunang West Philippine Sea (WPS) sapagkat wala magawa ang mga Pilipinong sundalo habang hina-harass sila ng mga sundalong Chinese.

Pagkakapasa ng National Building Code ikinagalak ng House Committee on Poverty Alleviation

IKINAGALAK ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party list Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang ginawang pagpasa o pag-apruba ng Kamara de Representantes sa House Bill No. 8500 o ang National Building Code na magbibigay proteksiyon sa publiko.

Ipinaliwanag ni Romero, isa sa mga principal authors ng nasabing panukalang batas, na bunsod ng pagkakapasa ng House Bill No. 8500 magiging ligtas na aniya ang mga itinatayong building o gusali sa iba’t-ibang bahagin ng bansa sa pamamagitan ng bagong National Building Code.

Naniniwala si Romero na malaki din ang maitutulong at mai-aambag ng inaprubahang panukalang batas upang matiyak ang “food security” ng bansa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas matibay na estraktura, building at gusali para sa kaligtasan ng mga mamamayan.

Idinagdag pa ng Party List Congressman na ang gagawing pagpapatibay sa mga farm structures na pinag-iimbakan ng mga supply ng pagkain sa ilalim ng New Building Code ay makatitiyak na hindi maaapektuhan ang food security ng bansa kahit pa dumating ang isang malakas na sakuna o kalamidad.

Sinabi naman ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na pakay ng inaprubahang panukalang batas na maprotektahan ang buhay at kaligtasan ng publiko mula sa anomang uri ng pinsala sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas ligtas na gusali at imprastraktura.