Calendar
Sto. Domingo church dinagsa ng deboto ng Birheng La Naval
DUMAGSA ang libu-libong deboto ng dambana ng Mahal na Birhen ng Laval-Mahal na Ina ng Santo Rosaryo sa Sto. Domingo Church, Quezon City upang makiisa sa kapistahan nito.
Hindi mabilang ang mga deboto ng Mahal na Birhen na nagtungo sa Sto. Domingo Church upang makinig ng misa at lumahok sa prusisyon kasama ang lahat ng mga santo ng Dominican Order o mas kilala bilang Dominican saints gaya ni Santo Domingo de Guzman na nagtatag ng Dominican Order.
“Mary: Bearer of Hope” ang theme ng pista kung saan ang mga deboto ay inaanyayahang manalig at sumampalataya kay Maria at huwag mawalan ng pag-asa sa gitna ng kabi-kabilang pagsubok na gumimbal sa malaking bahagi ng bansa.
Hinihikayat niya ang mga debotong Katoliko na manatili sa kanilang pananampalataya kay Maria sa pamamagitan ng walang tigil na pagdarasal ng Santo Rosaryo na mabisang sandata laban sa kasamaan at pagsubok sa buhay.
