Vergeiri

Sub-variant ng Omicron nakapasok na sa Pinas

206 Views

NAKAPASOK na sa Pilipinas ang sub-variant ng Omicron, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH ang sub-variant ang natukoy na nakahawa sa 52-anyos na babaeng Finnish na dumating sa Pilipinas noong Abril 2 mula sa Finland.

Hindi sumailalim ang babae sa routine isolation sa quarantine facility dahil ito ay fully vaccinated na laban sa COVID-19 at walang sintomas.

Pumunta umano ang babae sa isang unibersidad sa Quezon City bago pumunta sa Baguio City para magsagawa ng seminar.

Siyam na araw mula sa kanyang pagdating sa bansa ay nagkaroon ito ng sintomas gaya ng pananakit ng ulo at sore throat.

Kinabukasan ay lumabas ang resulta ng RT-PCR test at positibo ito sa COVID-19.

Sa mas malalim na pagsusuri ay lumabas na nahawa ang babae ng subvariant ng Omicron variant ng COVID-19.

Nauna ng sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang bagong subvariant ng Omicron na BA 2.12 at BA 2.12.1 ang kumakalat ngayon sa Estados Unidos at 93% ng mga bagong kaso ng COVID-19 doon.