DOH

COVID-19 active case sa bansa bumaba sa 13,660

174 Views

BUMABA na sa 13,660 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nadagdagan ng 205 ang bilang ng mga bagong nahawa ng COVID-19. Sa kabuuan ay 3,684,500 na ang nahawa ng COVID-19 sa bansa.

Nananatiling ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming aktibong kaso na naitala sa 982, sumunod ang Region 4-A na may 405 at ang Central Luzon na may 262.

Mayroon namang 3,610 na gumaling at 60,182 ang pumanaw sa naturang sakit.