Hataman

Subsidy ng gobyerno para sa mga magsasaka na maliit ang kita inaasahan

Mar Rodriguez Jun 9, 2024
106 Views

๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—š๐—”๐—ก ๐˜€๐—ถ ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—”๐˜€๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—Ÿ๐—ผ๐—ป๐—ฒ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐˜‚๐—ท๐—ถ๐˜ƒ ๐—ฆ. ๐—›๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ “๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด” ๐—ฅ. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€,๐—๐—ฟ. ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด “๐˜€๐˜‚๐—ฏ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐˜†” ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ถ๐˜ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ.

Kasabay nito, nananawagan din si Hataman sa gobyerno na magkaroon ng karagdagan sa ipinamamahaging financial subsidy para sa tatlong milyong magsasaka matapos ang napagkasunduang pagtapyas sa taripang ipinapataw sa bigas mula sa 35% patungo sa 15% para maibaba ang presyo ng bigas sa P29,00 kada kilo.

Ipinaliwanag ni Hataman na kapag ibinaba aniya ang presyo ng bigas sa merkado sa halagang P29 kilo baka hindi umano makasabay ang mga magsasaka at maaaring hindi narin sila makabenta.

Sinabi rin ni Hataman na kasulukuyang masusing pinag-aaralan ng kaniyang tanggapan ang paghahain ng panukalang batas sa Kamara de Representantes para magkaroon ng proteksiyon ang mga maliliit na magsasaka sa pamamagitan ng karagdagang subsidy para sa kanila.

“With this, I call on the government to increase financial subsidies to our rice farmers. Isama din sana sila sa mga ayuda ng pamahalaan at iba pang programa para sa mahihirap,” sabi ni Hataman.

Binigyang diin pa ng kongresista na ang Pilipinas ay isang “agricultural country” kung kaya’t ang magsasaka ay umaasa sa bigas na inaani sa Pilipinas gayong hindi naman sila aniya maaaring umasa sa rice imports o mga bigas na inaangkat sa ibang bansa.

Kaugnay nito, hinihiling din ni Hataman sa administrasyong Marcos,Jr. na i-prioritize ang mga local farmers sa oras na bumibili ng bigas ang gobyerno o kinakailangang maging national policy.

Nauna rito, umasa din si Hataman na agad na mararamdaman ng mamamayang Pilipino partikukar na ang mahihirap na pamilya ang epekto ng ginawang pagbabawas sa taripang ipinapataw sa mga imported na bigas.