KAMARA INAPRUBAHAN ANG PANUKALA VS BULLYING
Aug 26, 2026
Calendar
Metro
Subsidy ng Manila jeepney drivers na kabilang sa free ride P3.5K na
Edd Reyes
Mar 31, 2026
446
Views
ITINAAS na noong Martes sa P3,500 kada araw mula sa P3,000 ang bayad ng Maynila sa mga jeepney driver na lumahok sa programang Libreng Sakay ni Mayor Isko Moreno Domagoso.
Tatagal hanggang sa Abril 6 ang subsidy na layuning mabawi ang mahigit P12 na itinaas sa presyo ng diesel.
Ipinaliwanag ni Mayor Isko na naglaan ang lokal na pamahalaan ng P4 milyon sa unang araw ng programa para sa 1,097 na pampasahero jeep pero 1,038 lang ang lumahok kaya’t umabot sa P3,516,000 ang naipamahaging subsidy.
Sa halip na ibalik sa kaban ng bayan ang salapi, idaragdag na lang ito sa mga lumahok na driver noong Martes at sa susunod na tatlong araw sa susunod na linggo.
89 bagong kaso ng leptos sa Maynila, 2 pa tigok
Aug 26, 2026
Mekaniko arestado sa iligal na pagpapaputok ng baril
Aug 26, 2026
QC cops bumira; 133 kriminal tiniklo
Aug 25, 2026
Lalaki buking na nagnenenok ng kable, tiklo
Aug 25, 2026
Train set para sa NSCR nasa ‘Pinas na
Aug 25, 2026

