Sue

Sue, Dominic lang makakasagot sa dyowa issue

Vinia Vivar Nov 23, 2024
38 Views

Spotted na naman sina Sue Ramirez at Dominic Roque sa Siargao.

Makikita sa bagong video na kumakalat ngayon sa social media na magkasama ang dalawa na naglalakad sa kalye habang nasa Siargao.

Ayon sa tsika ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog, bumalik sa nasabing tourist destination spot si Dominic matapos dumalo sa block screening ng “Hello, Love, Again.”

Matatandaang unang namataan sina Sue at Dominic sa isang bar sa Siargao nitong nakaraang Halloween at makikita nga sa nag-viral na video na naghahalikan pa sila.

Umuwi lang pala ng Manila si Dominic para manood ng block screening ng “HLA” bilang suporta sa BFF niyang si Kathryn Bernardo na ginanap last Nov. 15. At pagkatapos ay bumalik ito ng Siargao dahil naroroon pa si Sue na October pa naroon, ayon kay Ogie.

Sa previous vlog ni Ogie ay matatandaang sinabi niya na nanliligaw na si Dom kay Sue, ayon umano sa kanyang source.

“Ang balita ko pa ay nagpapadala pa raw ng food itong mommy ni Dominique Roque kay Sue Ramirez,” sey pa ni Ogie.

Kung magdyowa na ba sina Sue at Dom, ‘yan ang tanong na sila lang ang makasasagot although base sa mga nakakita sa dalawa sa Siargao ay parang sila na nga raw.

Well, wala namang masama dahil pareho silang single ngayon.

Anyway, hanggang ngayon ay wala pang pahayag sina Sue at Dom tungkol sa rumored relationship nila.