Calendar
Source: Phil. Emergency Alert
Sunog sa Taguig tumagal ng 8 oras dahil sa masikip na daan, mga naghahakot ng gamit
NILAMON ng apoy ang tirahan ng halos 400 pamilya sa sunog na sumiklab Lunes ng hapon sa Taguig City.
Tumagal ng halos walong oras ang sunog na nagsimula alas-5:57 ng hapon sa dikit-dikit na kabahayan sa Pulong Kendi, Brgy. Sta Ana na itinaas hanggang sa ika-limang alarma dakong alas-7:05 ng gabi hanggang sa ma-kontrol ng alas-9:30 bago tuluyang naapula ng alas-2:02, Martes ng madaling araw.
Aminado ang mga tauhan ni Taguig City Fire Marshal F/Supt. Garynel Julian na nahirapan silang apulahin ang apoy dahil sa sikip ng daan, bukod sa sumasalubong pa sa kanila ang mga taong naghahakot ng kanilang maisasalbang gamit.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga arson investigators sa pinagmulan ng sunog matapos magpahayag ang ilang mga nasunugan na nawalan muna ng supply ng kuryente bago sumiklab ang apoy na sinundan ng mga pagputok at ilang pagsabog na posibleng sanhi ng tangke ng liquified petroleum gas (LPG).
Wala amang iniulat na nasawi o nasugatan sa naturang sunog habang pansamantalang nanunuluyan sa itinalagang evacuation center ng lokal na pamahalaan ang mga naapektuhang pamilya kung saan sila pinadalhan ni Mayor Lani Cayetano ng mainit na pagkain, family food packs, sleeping kits, at hygiene kits.

