Lapid

Supremo Sen. Lapid: Mga guro malaki ambag sa nation-building, pagpapalaki ng kabataan

76 Views

KASABAY ng World Teachers day nitong October 4, nakiisa si Supremo Senador Lito Lapid sa pagdiriwang ng mga guro sa La Union.

Sinabi ni Senador Lapid na malaki ang ambag ng mga mahal nating guro sa nation building at pagpapalaki ng mga kabataan na may takot sa Diyos at sa mga batas.

“Sa ating mga mahal na guro, binabati ko po kayo ng maligayang World Teachers Day. Walang kapantay ang inyong pagod, sakripisyo at pagpupuyat para lang maturuan at gabayan ng good manners and right conduct ang ating mga estudyante,” pahayag ni Lapid.

“Hanga po ako sa inyong sipag, dedikasyon at determinasyon na magtagumpay ang mga kabataang mag-aaral para sa kinabukasan ng bansa,” pahayag ni Lapid sa kanyang talumpati sa harap ng mga guro sa La Union nitong nakalipas na Biyernes

Inihayag ni Lapid na nagsulong sya ng ilang batas sa Senado para suportahan ang pangangailangan ng ating mga mahal na guro sa buong bansa, kabilang na ang dagdag sahod at chalk allowance nila.

Kabilang sa inihaing panukala ni Lapid noong August 2023 ay ang Senate Bill 2423 o ang Classroom Management Support and Protection for Teachers Act.

Layunin nito na gawing institusyonal na mabigyan ng proteksyon ang mga guro at school personnel sakaling magkaroon ng mga kaso kaugnay ng pagdisiplina sa mga estudyante at magtatag ng mekanismo para sa classroom management.

Ayon pa kay Lapid, mahalagang mabigyan ng nararapat na suporta ang mga guro dahil sila ang pundasyon ng edukasyon at kinabukasan ng bansa.

Ang selebrasyon ay nagbigay-daan upang ipakita ang pasasalamat at pagkilala sa mahalagang papel ng mga guro sa paghubog ng kinabukasan ng mga kabataan at ng buong bayan.