PHIVOLCS

Surigao niyanig ng magnitude 4.4 lindol

151 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.4 ang yumanig sa Surigao del Sur hapon ng Linggo, Hunyo 2.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol ala-1:40 ng hapon.

Ang epicenter nito ay limang kilometro sa kanluran ng Lianga, Surigao Del Sur at may lalim na 10 kilometro, ayon sa PHIVOLCS.

Naitala ng PHIVOLCS ang Intensity II sa Tandag, Surigao del Sur, at Intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro.