Calendar

Suspek sa human trafficking nasilo sa NAIA
HINDI nakaalis ang isang babae papuntang abroad matapos arestuhin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa human trafficking.
Naaresto ng mga ahente ng NBI-International Airport Investigation Division (NBI-IAID) si alyas Priscilla dahil sa paglabag sa Republic Act 2 at Overseas Filipino Workers Act No. 1995 na sinususugan ng RA 10022 at RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003).
Ang kaso nagmula sa referral ng NAIA Task Force Against Trafficking-Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) kung saan ang suspek na nakatakdang umalis patungong Thailand para sa mga gawaing misyonero.
Nagpakita ng iba’t-ibang dokumento ang suspek mula sa Alliance of Bishops, Ministers, and Educators International Inc., na itinatag ng suspek at siya rin ang angulo.
Lumabas sa imbestigasyon na ma ydalawang biktima na nagpapanggap na mga missionary-volunteer kasama ang suspek patungo sanang Thailand.
Sa kalaunan, ibinunyag nila na talagang pinangako sila sa pagtuturo ng mga trabaho sa Thailand at pinadali ng suspek ang kanilang paglalakbay.
Dahil sa pagpapatunay ng Department of Migrant Workers (DMW), napatunayang hindi lisensiyado o awtorisadong mag-recruit ng mga manggagawa para sa pag-deploy sa ibang bansa ang suspek.
Pinuri ni NBI Director Jaime Santiago ang mga ahente ng NBI-IAID sa pag-aresto sa akusado.