SUV,tricycle nagbanggaan sa Bataan, 2 bebot tigok

Bernard Galang Aug 16, 2025
480 Views

DALAWANG babae ang patay habang dalawa ang sugatan noong Sabado aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng isang tricycle at SUV sa Hermosa, Bataan.

Sa ulat kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., kinilala ng Bataan police ang mga nasawi na sina Karmina Isabell Calanoc at Marielle Turla.

Sugatan naman ang isa pang pasahero na si Olivia Torres at and trike driver.

Ang tatlo ay residente ng Bgy. San Simon, Dinalupihan, Bataan.

Sa inisyal na pagsisiyasat, ang tricycle na minamaneho ni Alvin Benavente, kasama ang tatlong biktima bilang pasahero, ay patungong Orani, Bataan at nang makarating sa harap ng Palawan Pawnshop sa Roman Superhighway sa Bgy. Palihan, isang Ford Ranger na minamaneho ni Jose Jorge, 30, ng Tierra Feliza, Bgy. Upper Tuyo, Balanga City, Bataan, ang nabangga ang tagiliran trike, dahilan para bumangga ito sa poste ng kuryente.

Dinala sa Dinalupihan District Hospital ang trike driver at ang tatlong pasahero kung saan idineklara silang dead on arrival ang dalawang biktima.

Nasa kustodiya na ngayon ng Hermosa police ang driver ng SUV at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injuries at damage to properties.