Against all odds ang peg
Dec 22, 2024
Obrero nasakote sa boga, bala
Dec 22, 2024
4 pang palengke magbebenta ng P40/kilo rice
Dec 22, 2024
6 na gun-for-hire suspek tiklo sa Caloocan
Dec 22, 2024
MMFF Parade of the Stars lumarga sa Manila
Dec 22, 2024
Calendar
Nation
SWS: 40% nagsabi na humirap ang kanilang buhay
Peoples Taliba Editor
Mar 7, 2022
540
Views
NAGSABI ang 40% ng mga respondent sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) na mas naging mahirap ang kanilang buhay kumpara sa kanilang kalagayan 12 buwan ang nakakaraan.
Sa survey ay ginawa noong Disyembre 12-16, nagsabi naman ang 24% na mas maganda ang kanilang kalagayan samantalang 36% ang nagsabi na wala silang naramdamang pagbabago.
Ang -16% net gainer (gainers minus losers) ay mas mataas sa -44% na naitala sa survey noong Setyembre. Mas mababa naman ito sa +18% na naitala noong Disyembre 2019, bago ang COVID-19 pandemic.
Kinuha sa Fourth Quarter 2021 SWS survey ang opinyon ng 1,440 respondent na edad 18 taong gulang pataas. Mayroon itong sampling error margin na ±2.6%.
Obrero nasakote sa boga, bala
Dec 22, 2024
4 pang palengke magbebenta ng P40/kilo rice
Dec 22, 2024
LTO nag-issue ng 24 SCOs sa mga pasaway na truckers
Dec 22, 2024