Maine

Sylvia, Art naghihintay ng apo kina Maine at Arjo: ‘Puro shopping na lang ba?’

Eugene Asis Mar 3, 2024
46 Views

Maine2BUKOD sa sorpresa ng asawang si Cong. Arjo Atayde sa “Eat Bulaga’ noong Biyernes, binati rin si Maine Mendoza sa kanyang kaarawan ng kanyang mother-in-law na si Sylvia Sanchez, sister-in-law na si Ria Atayde, gayundin ng kanyang mga magulang na sina Teddy at Mary Ann Mendoza.

Pero ang nakagulat sa amin ay nang batiin siya ng kanyang father-in-law na si Art Atayde. Kilala namin si Papa Art bilang isang pribadong tao at kung hindi ka niya masyadong kilala, hindi siya masyadong magsasalita.

Kaya siguro kahit si Maine ay nagulat nang bumulaga sa screen ang kanyang father-in-law.

At sa kanyang baritone voice, bumati si Papa Art: “First of all, I would like to greet my very nice, very loving, and beautiful daughter-in-law, Maine Atayde, a very, very happy birthday. Ayan Maine ha, pinupuri kita dahil birthday mo.”

Nagtakip ng bibig si Maine sa pagkabigla saka natawa.

Patuloy ni Papa Art, “Pero, tumatanda ka na. So, where’s the baby? Ano ba ang ginagawa ninyo ni Arjo? Palibhasa, puro shopping siguro?”

“Alam ko ‘di ka naman makakaganti ngayon kaya naisahan na kita. As I said, kidding aside, I wish you all the best and hope you will have a good one.

“Just remember that we will always be here for you and we love you. Happy, happy birthday!”

At sa punto na ito, humirit si Vic Sotto, “Sagutin mo yung tinatanong ng father-in-law mo.”

Kaagad namang sumagot si Maine, “Coming soon!”

Kaya naman, nagbunyi ang mga tagahanga ni Maine. Malapit na nga ba? Hindi ba totoo ang tsismis na baka mauna pang magbuntis ang sister-in-law niyang si Ria, na engaged na sa boyfriend na si Zanjoe Marudo?

Matagal nang hinihintay ‘yan ni Sylvia.