Lopez

Taas sa pamasahe sisiguraduhing makatuwiran — Lopez

Jun I Legaspi Mar 11, 2026
291 Views

KINUMPIRMA ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Giovanni Lopez na magkakaroon ng pagtaas ng pamasahe pero kailangan pa aniyang i-recompute kung magkano ang itaas.

Ayon kay Sec. Lopez, inatasan nito si Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman (LTFRB) Atty. Vigor D. Mendoza II na magsagwa ng pag-recompute upang siguraduhin kung magkano ang makatwiran at katanggap-tanggap sa lahat ng sektor lalo na sa mga pasahero na siyang direktang tatamaan ng pagtaas ng pamasahe.

Pinamamadali naman ng transport sector sa DOTr-LTFRB ang paglabas ng desisyon ng pagtaas ng pamasahe.