PRC

Taga-Tacloban isa sa 3 nanguna sa chemical technician licensure exam

197 Views

TATLO ang nagtabla sa unang puwesto ng katatapos na chemical technician licensure examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Kapwa nakakuha ng 94 porsyentong rating sina Jopette Marie Binasahan Villas ng Eastern Visayas State University Tacloban, Carlos Antonio Nicdao Concepcion, ng University of the Philippines Los Banos, at Christian Rey Salinio Dela Cruz ng Technological University of the Philippines.

Sumunod naman si Oliver Roy Prayon Mañgosing ng Xavier University (93.5 porsyento).

Nasa pangatlong puwesto at kapwa nakapagtala ng 93 porsyento sina Kristel Grace Bensig Amistoso ng Eastern Visayas State University Tacloban, Elijah Faye Ordonia Jaramilla ng Mariano Marcos State University-Batac, at Shaquil Aboy Sebastian ng Eastern Visayas State University Tacloban.

Ayon sa PRC sa 2,588 na kumuha ng pagsusulit, 2,204 ang nakapasa.