Tagumpay ng PAFF sa CDO pinapurihan ni Valeriano

Mar Rodriguez May 22, 2024
136 Views

PINAPURIHAN ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano sina President Bongbong R. Marcos, Jr. at House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa matagumpay na Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks and Families (PAFF) payout na idinaos sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, malaki ang maitutulong ng PAFF payout na inilunsad ni Pangulong Marcos, Jr. sa CDO noong nakaraang linggo para matulungan ang libo-libong masasaka at mangingisda na maibsan ang pinagdadaanan nilang krisis.

Sinabi ni Valeriano na bilang kinatawan ng 2nd District ng Manila. Nakikiisa siya sa suportang ibinibigay ng mga kapwa nito mambabatas sa Kamara de Representantes para sa mga programang isinusulong ng Punong Ehekutibo upang tulungan ang mga mamamayan na maka-ahon mula sa krisis sa bansa.

Ipinaliwanag din ni Valeriano na ang ipinakitang “show of force” ng mga kapwa nito kongresista sa Cagayan de Oro City ay isang malinaw na testamento na kaisa ng Pangulong Marcos, Jr. ang mga miyemnro ng Kongreso sa pagsisikap nitong maibsan ang matinding kahirapan sa bansa.

Naniniwala din ang kongresista na nagkaroon ng “positive impact” ang nasabing programa ng Pangulong Marcos, Jr. sapagkat nakikita mismo ng mamamayang Pilipino ang mga pagsisikap ng pamahalaan para sila ay matulungang makabangon mula sa kahirapan sa pamamagitan ng mga ayuda.

Sabi pa ni Valeriano, sa kaniyang sariling balwarte o Distrito ay naglulunsad din sila ng kahalintulad na programa para matulungan ang kaniyang mga kababayan na maibsan ang pinagdadaanang krisis sa pamamaraan ng pagbibigay ng ayuda at iba pang programa na makakatuloing sa kanilang pamumuhay.

“Nakikita natin ang hirap na pinagdadaanan ng ating mga kababayan. Kaya kami naman dito sa aking Distrito ay hindi tumitigil sa pagbibigay ng serbisyo para sa ating mga kababayan. Kaya buong-buo ang suporta natin sa mga programa ng ating Pangulong Marcos, Jr.,” sabi ni Valeriano.