Batangas

Tanauan bike patrol nalambat 2 suspek sa pagnanakaw ng CP

18 Views

CAMP MIGUEL C Malvar, Batangas City — Nahuli ng mga pulis sa lalawigang ito noong Sabado ang mga hinihinalang nagnakaw ng cellphone ng mga pulis na naka-bisikleta.

Ayon sa report, sina alyas Bryan, 41, at isang tricycle driver nahuli matapos umanong nakawan ng cellphone si alyas Rosalinda, 54.

Naganap ang insidente sa A. Mabini Ave., Brgy. Poblacion 4, Tanauan City habang naiwan ng biktima ang cellphone sa kanyang E-bike.

Rumesponde ang mga Tanauan bicycle patrol at beat patrol members at kaagad nahuli ang suspek.

Ang bicycle patrol program bahagi ng mas malawak na inisyatiba na inilunsad ng Batangas police noong Hulyo 13 upang magtatag ng bike/motorcycle units sa buong lalawigan.

“Pinupuri ko ang aksyon ng Tanauan City police at hinihikayat ang publiko na makipagtulungan sa pulisya upang matiyak ang isang ligtas na komunidad,” sabi ni P/Col. Jacinto Malinao Jr., hepe ng Batangas police.