Belmonte

Target ng QC agarang pagresolba sa mga pagbaha sa lungsod.

Cory Martinez Oct 21, 2024
50 Views

ANG pangunahing plano na inilatag ni Mayor Joy Belmonte sa kanyang State of the City Address na ginanap sa bagong bukas na MICE Center sa QC Hall compound kahapon ang agarang pagresolba sa mga pagbaha sa lungsod.

Ayon kay Belmonte, kailangan ng pamahalaang lungsod ang pondong P123 bilyon upang maipatupad ang Drainage Master plan bilang solusyon sa pagbaha.

Dagdag pa ng alkalde na magkatuwang na ipapatupad ang naturang proyekto ang tanggapan nina Vice Mayor Gian Sotto at mga tanggapan ng anim na kongresista ng Quezon City.

Ibinunyag pa ni Belmonte, natapos nang mabilis ang lahat ng mga proyektong sinimulan noong 2019 na kung saan maliit lang ang nagastos subalit sobrang taas ng kalidad ang mga ito.

Ngayong 2024, ani Belmonte, ang pondong P39 bilyon ng pamahalaang lungsod ay itutuon sa pagpopondo sa mga social services.

Kabilang naman sa mga programang naipatupad ng pamahalaang lungsod ay ang pabahay, pangkalusugan, pangkabuhayan, edukasyon, sanitasyon
job oppurtunities, elderly, persons with disability, infrastructure, digitalization at iba pa.

Inihayag pa ni Belmonte, naging ISO certified ang lungsod na dahil sa patuloy na pagtutulungan ng bawat isa.

At sa loob ng limang taon, anya, mahigit na sa dalawang libong tauhan ng QC hall ang naging regular employer na hindi naaksyunan ng mga nakaraang administrasyon.

Plano din ni Belmonte na gawing electric ang lahat ng fleet ng QC Bus libreng Sakay upang makatulong sa pagbawas ng polusyon sa hangin.

Binanggit pa ng alkalde, sa loob ng limang taon niyang panunungkulan, hindi nagtaas ang singil sa buwis at walang utang ang lungsod.

Target din ng pamahalaang lungsod QC makapaglagay ng higit tatlong libong CCTVs sa mga strategic areas sa layuning maging ZERO crime sa lungsod.

Pinasalamatan naman ni Belmonte ang lahat ng opisyal at residente sa pakikipag tulungan sa lokal na pamahalaan na makamit ang pagiging isa ng QC sa nangungunang pinaka mahusay na lokalidad sa bansa.