Nacional

TATLO KATAO TIMBOG SA BUYBUST OPERATION SA QUIAPO MANILA..

Jon-jon Reyes Jul 9, 2025
288 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit-Manila Police District Barbosa Police Station14 ang tatlong katao kabilang ang isang bebot sa buy-bust na isinagawa sa ilalim ng tulay sa Quezon Boulevard, Quiapo, Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Lupin, 50, miyembro ng BCJ, alyas Kambal, 29, kaanib ng Bahala na Gang at Cora.

Ang mga suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drug)s Article II ng Republic Act 9165.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, hepe ng MPD- Barbosa Police Station 14, aabot sa halagang P176,800 ang nasamsam ng mga operatiba sa nasabing operasyon.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Cleveland Mananghaya, hepe ng SDEU, bandang 11:30 ng gabi nang nagpanggap ang isang parak na kostumer gamit ang P100 na marked money.

Nakuha sa operasyon ang 26 gramo ng hinihinalang Shabu na nagkakahalaga ng P176,800.