Calendar

Tatlong taong paglillingkod ng OFW Hospital ikinagalak ng OFW Party List
BILANG Kinatawan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), ikinagagalak ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang patuloy na paglilingkod at pagbibigay serbisyo ng OFW Hospital sa loob ng tatlong taon sapul ng ito ay maitatag.
Nauna rito, ipinagdiwang ng naturang ospital ang ika-tatlong taong anibersaryo nito na may temang “Tatlong Taon, Serbisyo Alay ng Kawaning Pangkalusugan sa mga Bagong Bayani”.
Dahil dito, ipinahayag ni Magsino na matapos ang tatlong taong paglilingkod ng OFW Hospital, nawa ay mas marami pang OFWs ang mapagsilbihan at matulungan nito kasama na ang kanilang pamilya.
Sabi ng kongresista na ang ginanap na pagdiriwang ay malinaw na testamento ng matagumpay na paglilingkod at dedikasyon ng OFW Hospital na mapagsilbihan ang mga OFWs na may karamdaman at kanilang pamilya sa pamamagitan ng libreng serbisyong medikal.
Binigyang diin ni Magsino ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga doktor, nurse at mga dating OFWs na nagsisilbing workforce ng ospital para makapagbigay ng serbisyo sa mga tinaguriang mga “bagong bayani”.
Kasabay nito, binisita ni Magsino ang mga opisyal at mga manggagawa ng Yazaki-Torres Manufacturing Inc.
Personal na nakipag-diyalogo ang OFW lady solon sa mga manggagawa ng naturang kompanya upang alamin ang kanilang kalagayan at pangangailan para agad na makapagbigay ng nararapat na tulong ang OFW Party List para sa kanila.
To God be the Glory