MRT3

Tauhan ng MRT-3 pumunta sa Japan para sa specialized training

173 Views

SUMALANG sa isang specialized training ang mga engineer at technical personnel ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) sa Japan.

Ayon sa MRT-3 sumalang sa railway operations and maintenance training ang siyam sa kanilang mga tauhan mula Agosto 29 hanggang Setyembre 3. Ito ay bahagi umano ng MRT-3 Rehabilitation Project.

Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng mga bagong kaalaman ang mga engineer at technical personnel ng MRT-3 upang maging swabe ang operasyon ng isa sa pinaka-abalang railway system sa bansa.

Kasama umano sa isinagawang pagsasanay ang disaster management, station management control, light and heavy maintenance, at railway safety operations.

Ayon kay MRT-3 General Manager Engr. Federico J. Canar, Jr. batid ng railway system ang kahalagahan na maihanda ang mga tauhan nito upang mas mapaganda ang pagseserbisyo nito sa publiko.

“We understand the crucial role of skills development training in our line of work. It is essential so as we can continuously upgrade our services, and better meet the needs of the riding public,” sabi ni Canar.