Magsino

Tax incentives para sa mga artista, movie producers isinusulong

Mar Rodriguez Mar 21, 2024
120 Views

BILANG dating aktress ng pelikulang Pilipino. isinusulong ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang pagkakaloob ng “tax incentives” para sa mga local movie producers kabilang na ang mga artista sa layuning mas lalo pang mapalakas ang Philippine movie industry.

Inihain ni Magsino ang House Bill No. 10167 o ang An Act Promoting the Philippine Movie Industry by Providing Tax Incentives to Local Movie Producers and Cinema Proprietors ay naglalayong mabigyan ng tax incentives ang mga personalidad sa likod ng pelikulang Pilipino.

Sinabi ni Magsino na nais nitong makatulong upang lalong mapalakas ang Philippine movie industry. Kung saan, binigyang diin ng OFW Party List Lady solon na hindi biro ang inilalabas na puhunan o salapi para sa paggawa ng pelikula lalo na at umaabot sa P10 hanggang 15 million ang nasabing gastusin.

“Bilang dating aktress, nais kong makatulong na mapalakas ang pelikulang Pilipino. the Philippine movie industry has been in survival mode in the face of rising production costs, heavy taxation burdens, piracy, the proliferation of accessible digital platforms and fierce global competition,” sabi ni Magsino.

Ayon kay Magsino, isinasaad ng HB No. 10167 ang pagkakaloob ng exemption sa Value Added Tax (VAT) at customs duties ang importation ng mga film materials kabilang na ang mga equipment na inaasahang mapapababa nito ang gastos sa film production at makakalikha naman ng de-kalidad na pelikula.

“The Philippine Movie Industry Promotions Act also reflects the necessity for a collaboration among government agencies, film producers, cinema operators and other stakeholders committed to promoting and supporting the development of the local film industry as essential economic and cultural asset and driver of employment generation,” dagdag pa ni Magsino.