Tennis

Tennis ball na may shabu napulot sa Pagbilao jail

Gil Aman Jun 16, 2025
14 Views

CAMP VICENTE Lim, Canlubang, Laguna–Nadiskubre ng isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang tennis ball na may laman na hinihinalang 20.79 gramo ng shabu sa gilid ng pader ng Pagbilao District Jail sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon noong Linggo.

Kasalukuyang nagsasagawa ng routine roving si JO1 Ronald Acbang Bernales dakong 4:30 ng hapon sa jail facilities ng mapulot ang tennis ball sa madamong bahagi ng kulungan.

Inusisa ni Bernales ang loob ng bola at nakita niya ang apat na plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu.

Ipinaalam ng jail guard sa Pagbilao police para i-turnover ang mga shabu na may standard price na P141.372.

Wala pang paliwanag ang kulungan hinggil sa napulot na shabu at kung posibleng may kakutsaba sa loob ang nag-iwan nito upang i-supply sa mga inmates doon.