Maligaya ang Pasko ni otoko
Dec 23, 2024
Kamara sisilipin kung nakakasunod NGCP sa prangkisa
Dec 23, 2024
Suspek na tulak dumayo, tiklo sa P1M na shabu
Dec 23, 2024
Calendar
Termino ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Paul Gutierrez hindi na pinalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nation
Termino ng PTFoMS hindi na pinalawig
Chona Yu
Sep 18, 2024
55
Views
HINDI na pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang termino ni Paul Gutierrez bilang pinuno o executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).
Sa isang pahinang liham kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na miyembro ng task force, ipinabatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin na napaso na ang termino ni Gutierrez.
Batay pa rin sa sulat ni Bersamin na may petsang Setyembre 12, ang ‘expiration of the tenure’ ni Gutierrez ay epektibo sa lalong madaling panahon.
Matatandaang nadawit ang pangalan ni Gutierrez sa imbestigasyon ng Quad Committee sa.Kamara kaugnay sa operasyon ng illegal na droga.
Itinalaga ni Pangulong Marcos si Gutierrez bilang pinuno ng PTFoMS noong Mayo 2023.
Kamara sisilipin kung nakakasunod NGCP sa prangkisa
Dec 23, 2024