TF binuo ng FDA para bumilis pag-apruba sa mga gamot laban sa COVID-19

190 Views

ISANG task force ang binuo ng Food and Drug Administration (FDA) upang maging mabilis ang pag-apruba sa mga gamot na magagamit laban sa COVID-19.

Ayon kay FDA Director-General Samuel Zacate tanging emergency use authorizations (EUAs) lamang ang ibinigay sa mga gamot na ginamit sa mga pasyenteng may COVID-19.

Trabaho ng task force Fleming na magsagawa ng ebalwasyon sa mga gamot at bigyan ito ng Certificates of Product Registration (CPR) kung nararapat para makabili ang publiko sa mga lisensyadong botika.

Ang mga gamot na mayroong EUA ay maaari lamang gamitin sa ilalim ng public health emergency.

Hinimok ni Zacate ang mga gumagawa ng gamot na mag-apply ng CPR sa FDA.

Ang Fleming na pangalan ng task force ay isinunod sa pangalan ng British physician na si Dr. Alexander Fleming na nakadiskubre ng Penicillin.