56 bagong kaso ng Omicron subvariants naitala ng DOH

144 Views

NAKAPAGTALA ng 56 bagong kaso ng Omicron subvariants ng COVID-19 ang Department of Health (DOH).

Sa 56 kasi, sinabi ng DOH na 28 ang na-detect na BA.2.3.20; 16 ang XBB, tig-dalawa ang kaso ng BQ.1 at XBC, at walo ang omicron sublineages.

Sa kasalukuyan ay wala ng 10,000 ang bilang ng mga pasyente na nahawa ng COVID-19.

Umabot na sa mahigit 4.075 milyon ang kabuuang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 kung saan mahigit 4 milyon ang gumaling na at 66,063 ang nasawi.