Ed Andaya

Thank you, “Elvisaya”

Ed Andaya May 28, 2024
401 Views

SA CEBU, na itinuturing niyang second home sa mahabang panahon, ginugol ni Raffy “Elvisaya” Uytiepo ang kanyang buong buhay sa pagtataguyod ng dalawang bagay na pinakamamahal niya: sports at music.

Dito din maaalala si Uytiepo, na pumanaw sa edad na 76 sa Cebu City kamakailan, ng kanyang madaming mga kaibigan na nakasama niya simula pa Dekada 80.

Bilang “Elvisaya”, hindi na mabilang ang madaming pinasaya ni Raffy sa kanyang pag impersonate sa dating American “King of Rock and Roll” na si Elvis Presley sa iba’t ibang mga pagtitipon at mall shows.

Pero bukod sa kanyang Elvis-like performances, maaalala din si Raffy sa kanyang malaking papel sa pagtataguyod ng local sports, lalo na sa running at chess.

Si Raffy, na ipinanganak sa Bacolod at lumaki sa Iloilo, ay itinuturing din na isa sa mga pangunahing haligi sa running scene sa Cebu, na kung saan kasama siyang nagtatag ng Cebu Executive Runners Club (CERC).

Isa din siya sa mga pinaka -respetadong marathon organizers hindi lang sa Visayas kundi pati na sa buong bansa.

Sa chess, pinagkatiwalaan din nina dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Cecil Hechanova at FIDE honorary president Florencio Campomanes si Uytiepo na mamahala sa ensayo ng mga sikat na Filipino chess players sa Baguio City bilang paghahanda sa prestihiyosong 1992 World Chess Olympiad sa Manila.

Bukod kina Asia’s first GM Eugene Torre, GM Rogelio Antonio, Jr., Rico Mascarinas, Rogelio Barcenilla, Jr., Chito Garma at yumaong Ruben Rodriguez, nakasama din ni Uytiepo ang mga sikat na world chess champions, gaya nina Garry Kasparov, Viswanathan Anand, at Vladimir Kramnik, pati na sina Viktor Korchnoi at Vassily Ivanchuk.

Para kay Uytiepo, isa ito sa mga pinaka-memorableng kontribusyon niya sa Philippine sports.

“Even until his passing, Uytiepo was an indefatigable workhorse in the running scene, never missing a single event and constantly providing encouragement especially to the young aspiring athletes,” pahayag ni long-time Cebu-based journalist Emmanuel B. Villaruel ng Daily Freeman sa kanyang column patungkol sa yumaong kapwa journalist at kaibigan.

“A respected journalist, Uytiepo served as the longest sports columnist of The Freeman. He inspired countless readers with his very insightful and highly informative articles he penned through his “Sports Eye” column that spanned for over three decades,” dugtong pa ni Villaruel.

“Uytiepo was a walking encyclopedia who can talk endlessly on anything about running from the past to present.”

“Raffy Uytiepo will be missed. A kind man on and off the field who always had time for friends. He had an encyclopedic knowledge of Philippine running, and I’d regularly refer to him when I have questions,”ang paglalahad naman ni Sunstar Sports Editor Mike Limpag.
Wala na si Uytiepo, pero mananatili ang kanyang alaala hindi lang sa Cebu kundi pati sa buong Philippine sports.

Thank you sa iyong mga tulong sa Philippine sports, “Elvisaya”. Rest in peace.

NOTES — Congratulations kay Mark Gabriel Gardose sa kanyang mga naiuwing karangalan sa St.Clare College-Caloocan Graduation and Moving Up Ceremony: Stars of 2024 na ginanap sa Great Eastern Hotel Aberdeen Court sa,Quezon Ave., Quezon City nitong Thursday, May 23. Congrats din sa kanyang proud Mom na si Marilou Gardose.

Happy birthday sa ating mqa kaibigan: Raymond Tribdino (May 25), Dennis Cordero (May 25), Angelina Ypil (May 25), Arah Rustia Laylo (May 25), Ariel Paredes (May 29), Luz McClinton (May 29), Patrick Aquino (May 30), Rodney Santos (May 30) at chess champion Jana Krivec (May 30).

Para sa mga komento at suhestIyon, mag e-mail sa [email protected]