MPBL Davao-Valenzuela showdown sa MPBL.

Tigers mabangis sa Valenzuela

Robert Andaya May 31, 2024
135 Views

HINDI na maawat ang 2021 MPBL Lakan Season champions Davao Occidental Tigers.

Ipinakita muli ng Tigers ang kanilang bangis upang patahimikin ang Valenzuela Classics, 79-65, sa harap ng kanilang madaming taga-suporta sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa WES Arena sa Valenzuela City.

Nagtala sina Jun Manzo, Kenneth Ighalo at Bambam Gamalinda ng double-digit scires at umabante ang Tigers, 51-35, bago ang kanilang ika-walong panalo sa 10 laro sa round-robin elimination phase ng 29-team tournament.

Nagpakawala si Manzo ng 15 points, three assists, three steals at two rebounds para sa Tigers, na unang nagpa-sikat matapos masungkit ang titulo sa 2021 MPBL Lakan Season.

Nagdagdag naman sina Ighalo ng 12 points at nine rebounds at Gamalinda ng 10 points, six rebounds at four assists.

Nakatulong din si Yutien Andrada, na may eight points at six rebounds para sa Tigers, na nag-domina sa rebounds department, 50-41, para sa 42 points kontra 22 ng Valenzuela.

Nagbida sina Chris de Chavez, na may 17 points at three rebounds, at JR Quinahan, na may 10 points at three rebounds para sa Valenzuela, na bumagsak sa 6-5 sa team standings.

Hindi nakapaglaro sa Valenzuela sina Dennis Santos, na may iniindang injury; at Orin Catacutan at Fil-Peruvian Val Chauca, na kapwa suspendido.

The scores:

Davao (79) — Manzo 15, Ighalo 12, Gamalinda 10, Andrada 8, Enguio 7, Martinez 6, Tumalip 5, Sarangay 4, Bayla 4, Simon 2, Arana 2, Nabong 2, Mancao 1, Koga 1.
Valenzuela (65) – De Chavez 17, Quinahan 10, Manliguez 9, Armenion 6, Macion 4, Payawal 4, Martin 3, Trazona 3, Hiro 2, Lepalam 2, Dela Cruz 2, Diego 2, Gotladera 1, Velasco 0, Rivera 0.
Quarterscores: 20-9, 36-32, 62-48, 79-65.