Calendar

Tiwala ng taongbayan pinagsikapan, matatag para kay Cong. Luistro
‘YOU cannot earn the trust of the people overnight in the same way you cannot destroy the trust of the people overnight.’
Ito ang mariing ipinahayag ni Congresswoman Jinky Bitrics Luistro sa gitna ng maraming paninira noong nakaraang election at sa napakaraming fake news na kanyang pinagdaanan.
Ipinahayag ito no Cong. Luistro matapos kamustahin ni Larga Batangas anchor Ron Lozano ang kongresita pagkatapos ng halalan.
“Yung tiwalang binigay sa atin ng taongbayan, pinagsikapan po natin yan. We started to embrace the people as early as 2021. After winning in the last 2022 election hindi na po tayo tumigil, rain or shine, patay or buhay, mahirap o mayaman, andyan si Bitrics upang makasama ang ating mga kababayan. Ang pagsisikap ni Bitrics na nakita ng taongbayan ito ang nagpatibay sa ating laban,” ani Cong. Luistro.