TNVS application muling bubuksan ng LTFRB

150 Views

SIMULA sa Enero 9, 2023 ay bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang aplikasyon para sa 4,000 slot ng mga nais na pumasok sa transport network vehicle service (TNVS).

Ang mga nais na makabiyahe bilang TNVS ay kailangang magpa-accredit sa isang transportation network company (TNC) na siyang magsusumite ng aplikasyon sa LTFRB.

Maraming pasahero ang nagrereklamo sa hirap na makapagbook ng TNVS dahil sa limitadong bilang ng mga ito.