Tom Tom Rodriguez at manager, Popoy Caritativo

Tom natutong maglaba at magluto sa Amerika

Eugene Asis Feb 29, 2024
40 Views

AYON kay Tom Rodriguez, dalawang linggo lang sana siyang magbabakasyon sa Amerika kasama ng pamilya matapos ang kanilang paghihiwalay ng ex-wife na si Carla Abellana.

Pero ang dalawang linggo ay naging dalawang taon sa Arizona, kasama ang pamilya. Simple lang daw ang naging buhay niya doon. “Nawili ako dun. Long story short, I really had to take time to really recover and now, I do feel na buo na ako ulit,” aniya.

Lalo na raw siyang nawili nang simulan niyang magkaroon ng responsibilities para sa sarili, at sa kanilang bahay. “I learn maintaining the household, cook, do laundry, ‘yung washing machine tsaka dryer doon, mag-grocery, couponing, all that stuff. Na-enjoy ko,” patuloy niya.

Sa ngayon, bukod sa TV comeback, pinaghahandaan niya ang concert version ng “Ibarra: The Musical,” na ilalabas sa second quarter ng taong ito.

Samantala nang tanungin ang ex-wife niyang si Carla tungkol sa pagbabalik ni Tom, at ano ang mararamdaman niya kapag muli itong nakita, sagot niya:. “Okay lang. I don’t feel intimidated, scared, nervous, wala namang ganun.”

Alam naman daw niyang kahit anong iwas niya, magkikita’t magkikita sila dahil iisa ang network na pinaglilingkuran nila.

Nag-file na ng divorce sa Amerika si Tom para sa kanila ni Carla.