Andaya

Tonight/Taliba sports editor pinarangalan

211 Views

BINIGYAN ng parangal ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) si People’s Tonight/Taliba sports editor Ed Andaya para sa kanyang kontribusyon sa tagumpay ng industriya ng karera sa nakalipas na taong 2022.

Ang naturang award ay ipinagkaloob ni PHILRACOM Chairman Aurelio “”Reli” de Leon kay Andaya sa PHILRACOM office sa Makati kamakailan.

Binigyan diin ni De Leon na ang tagumpay ng PHILRACOM at ng mga prestihiyosong stakes races nito ay nagdulot ng malaking kasiyahan sa bayang karerista.

“The PHILRACOM presents this award n recognition for your excellent coverage of our 2022 Stakes Races. The positive exposure you gave had driven increased interest and wagering in Philippine horseracing in the preceding year,” pahayag ng PHILRACOM

Ito ang ika-apat na award mula PHILRACOM ni Andaya, na pinarangalan na din nung 2015, 2016 at 2018.

Nung nakalipas na taon, binigyan karangalan din si Andaya ng Professional Chess Association of the Philippine s (PCAP) para sa kontribusyon niya sa patuloy na pag-unlad ng Philippine chess.

Ang naturang special award ay ipinagkaloob kay Andaya nina PCAP president Atty.Paul Elauria at chairman Michael Angelo Chua.

Si Andaya, ns BS Journalism graduate sa Lyceum of the Philippines University, ay unang nagsilbing sportswriter sa Times Journal nung1985 bagong naging sports editor ng People’s Tonight simula 1987 hanggang kasalukuyan.

Siya ay kasalukuyan ding honorary lifetime member ng National Press Club, director ng Philippine Sportswriters Association at founding president ng Tabloids Organization in Philippine Sports. (TOPS).