Torre Itinaas ng referre ang kamay ni PNP Chief General Nicolas Torre III matapos manalo “by default” laban kay Davao City Acting Mayor Sebastian Duterte. Matapos ang charity event, nagtungo sa Baseco sa Port Area sila General Torre para mamahagi ng relief goods sa mga biktima ng kalamidad. Kuha ni JonJon Reyes

Torre namigay ng relief goods sa Baseco matapos manalo

Jon-jon Reyes Jul 28, 2025
261 Views

Torre1MATAPOS ang kanyang “win by default” sa boxing charity-exhibition laban sa umatras na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, nag-celebrate ng panalo si Philippine National Police chief Chief Gen Nicolas Torre III nagbigay ng isang toneladang bigas at dalawang truck ng canned goods ang 55-anyos na PNP chief sa Baseco, Manila.

Galing ang tone-toneladang bigas at de-lata ni Torre sa P16.3 milyong nakakalap para sa disaster relief ng mga hinagupit ng bagyo, habagat at pagbaha.

Dumagsa ang maraming donasyon at kinita ng nasabing charity showdown bukod pa ang mga naibentang ticket na nagkakahalaga ng mula P100 hanggang P5,000.

Matapos ang hindi natuloy na charity bout, nagtungo ang PNP Chief kasama sina National Capital Region Police Office chief Police Major General Anthony Aberin at MPD Chief P/BGen. Arnold Abad at iba pang matataas na opisyal ng PNP sa Baseco para mamahagi ng mga relief goods.

Habang namimigay ng ayuda, siniguro ng mga operatiba ng Manila Police District sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, commander ng MPD Baseco Police Station 13, na walang gulong magaganap.

Pagkatapos ng relief operations, nagtungo na sa command conference sa Quezon City ang hepe ng PNP para sa paghahanda sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.