Isko

Tourism expo binuksan sa Manila nina Mayor Isko, VM Atienza

Edd Reyes Sep 25, 2026
120 Views

Isko1PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang pagbubukas ng “My Manila Tourism Expo 2026” noong Biyernes sa Foro de Intramuros.

Ang tatlong araw na expo, na nilahukan ng 12,000 kalahok, ay tatagal hanggang Linggo mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.

Ang paglulunsad ng “Manila, My Manila,” ang magiging kampanya ng lungsod sa turismo.

“We may have modern buildings, but we also have beautiful buildings tested by time.

Manila has a lot of stories to tell. Sa bawat sulok nito, may kwento. Sa bawat eskinita at boulevard, laging may kasaysayan at nakaraan,” dugtong ng alkalde.

Umaasa siya na mabebenepisyuhan ng expo ang Manileños sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho na naka-angkla sa turismo.

“Tourism creates a lot of jobs. For every tourist, I don’t know the exact mathematics of it, but every tourist creates at least one or two jobs.

So the more tourists, whether domestic or foreign, going to Manila, it creates more jobs for the people of Manila,” paliwanag ng alkalde.

Dumalo sa kaganapan sina Intramuros Administrator Atty. Joan Padilla, Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) Director Cristal Bagatsing at mga konsehal ng lungsod.