Bus

Tourist bus, SUV wasak sa banggaan; marami sugatan

Gil Aman Sep 30, 2024
7 Views

MARAMI ang nasugatan sa banggaan ng tourist bus at sports utility vehicle (AUV) noong Linggo sa Brgy. Bakia, Majayjay, Laguna.

Dinala sa Majayjay Medical Hospital habang ng mga nasugatan matapos ang banggaan dakong alas-3:20 ng hapon ng APR transportation na may biyaheng Alabang-Coastal Lawton at Hyundai Kona sa pakurbada at pababang bahagi ng highway.

Base sa imbestigasyon, galing ang tourist bus (ABE 1521) sa Lucban, Quezon na minamaneho ni Nelson Balanos samantalang and Hyundai (DAO 6739) minamaneho ni Hazel Reyes.

Nagbanggan ang dalawang sasakyan habang tumatakbo kaya nawasak ang unahan ng magkabilang sasakyan na nagresulta sa pagkasugat ng mga pasahero ng bus.

Dinala ang dalawanag driver sa Majayjay police upang imbestigahan kung sino ang may kasalanan sa banggaan.