ryan Bakbakan sa Ilocos Sur

Toyogon wagi laban kay Tejones

Louis Pangilinan Feb 16, 2022
362 Views

HINDI na pinatagal pa ni super featherweight fighter Al Toyogon ang laban matapos mailatag ang knockout win kontra Joe Tejones sa main event ng 2022 “Bakbakan sa Ilocos Sur” sa Quirino Stadium sa Bantay Ilocos Sur.

Hindi pa halos pinag-pawisan ay kaagad na sumaltik ng perpektong kumbinasyon si Toyogon ng Elorde Boxing Gym para patumbahin si Tejones na may 2: 21 segundo sa second round ng itinakdang 10-round na sagupaan.

Dalawang beses na knockdown si Tejones at hindi na nakabawi pa matapos na sunod-sunod na bigwas ni Toyogon.

Dahil dito, tuluyang inihinto ni referee Sammy Bernabe, Sr. ang laban sa saliw ng hindi magkamayaw na hiyawan ng hometown fans sa pangunguna ni Gov. Ryan Louis Singson at iba pang opisyales ng lokal na pamahalaan.

Sa supporting main bout, umiskor ng TKO victory si Jules Victoriano ng Elorde South Box kontra Dave ‘The Triggerman’ Barlas ng Polomolok, South Cotabato may 2:51 seconds nalalabi sa ikatlong round.

Nauwi naman sa split draw ang boxing debut ni Eusebio Corotan Jr., ng Sabang, Cabugao, Ilocos Sur laban sa astig ding si Josaphat Navarro ng SiamYout Nak Muay Stable.

Samantala, wagi din ang Tamayo brothers ng MP Malabon Gym, na kung saan naitala ni Bryan ang unanimous decision kay Aroel Romasasa ng Elorde Boxing at Gary kontra Jeffrey Francisco ng BMA Center Gym Alabang.

Score cards naman ang naging batayan para sa technical decision na panalo ni flyweight Elmar Zamora ng MP Malabon Gym matapos ma-headbutt ng kalabang si Carl Jeffrey Basil ng Mabikas Boxing Stable Baguio.

Sa main bout ng Pro Muay Thai, hindi binigo ni Adrian Gemar ng Elorde Ilocos Sur ang kanyang fans matapos itala ang unanimous decision victory laban kay Mark Joseph Abrillo ng Yawyan Kampilan.

Via-submission win ang itinala sa pro debut ni Richard Lachica ng Elorde Southbox sa Pro MMA match laban kay Daryl Mayormita ng Yawyan Kampilan-Las Pinas (63kgs).

Naging kapanapanabik din ang salpukan sa pro MMA ng babae matapos ma-TKO ni Florivic Montero ng Elorde Southbox si Mary Glyde Elizabeth Salazar ng MIG Fitness Gym Olongapo City.

Naitala nman ni Gretel de Paz ng Elorde Southbox ang uns inous drcidion win laban kay Rosemarie Recto ng Kalagway MMA Baguio City.

Sa mga nauna pang sagupaan na in-organisa ng Elorde Boxing Stable Promotions sa pamumuno ni Maria Laureta Elorde bilang bahagi ng weekong na pagdiriwang ng Kannawidan 2022, nanalo si Alexander Almacen ng Marty

Elorde Boxing laban kay Benson Awidan ng Mabikas Boxing Stable; wagi si Ali Canega ng Marty Elorde Stable laban kay Menard Abila ng Daraga Albay; panalo si Jovil Amistoso ng Elorde Southbox laban kay Justine Polido ng Makati City; nalo si Jonniel Laurente ng VSP Boxing Vietnam laban kay Jufel Salina ng Hardstore Monis La Union; at wagi si Aljum Pelisio ng MEBS laban kay Fernan Agencia ng Knockout Boxing Gym.

Nagpasalamat si Gov. Singson sa mga taong sumuporta sa naturang palabas na sinuportahan din ng Games and Amusement Board (GAB) sa pamumuno ni Chairman Abraham “Baham” Mitra Jr.