Calendar
Tricycle driver timbog sa mga bawal na paputok
ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)- Sampaloc Police Station 4 ang 35-anyos na tricycle driver dahil sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok sa Leo St., Brgy. 578, Zone 56, Sampaloc, Manila noong Sabado.
Nahaharap sa kasong paglabag Section 2 at Section 3 ng Republic Act 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices) ang suspek na si alyas Mark Joseph, tricycle driver na taga-Sampaloc, Manila.
Bandang alas-8:45 ng gabi nasita ang suspek dahil sa dalang malalakas na paputok.
Natiklo ang suspek dahil sa mga Iligal na paputok tulad ng 9 na Judas Belt, 200 pieces ng kwitis, 17 Tuna o Goodbye Philippines, 19 na Kabase, 10 Higad, pitong bundle ng 5 Star (10 pieces per bundle), siyam na kahon ng Piccolo; isang pakete ng Big Bawang Special at dalawang kahong Pop-Pop.
Malamang na sa loob ng selda magdidiwang ng Bagong Taon ang suspek.