MPBL2 Pampanga-Valenzuela encounter sa MPBL.

Triple-double man ng Pampanga bida uli

Robert Andaya Jun 19, 2024
158 Views

SA tulong ng panibagong triple double ni MPBL MVP Justine Baltazar, giniba ng Pampanga Giant Lanterns ang Valenzuela Classics, 85-56, upang ipagpatuloy ang kanilang hot streak sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Pinangunahan ni Baltazar ang matinding atake ng Giant Lanterns matapos ang kanyang 12 points, 17 rebounds at 10 assists para sa ika-12 sunod na panalo sa 13 laro sa round-robin elimination phase ng 29-team, two-division tournament.

Bukod kay Baltazar, nagpakitang gilas din para sa Pampanga sina Jeff Viernes, na may 13 points at four rebounds; Jhaymo Eguilos, na may 11 points at nine rebounds; Archie Concepcion, Encho Serrano at Rence Alcoriza, na may tig 10 points.

Nag-dagdag naman si Kurt Reyson ng eight points, five assists and three rebounds.

Namuno sina Fil-Am CJ Payawal at comebacking Paolo Hubalde para sa Valenzuela, na naglaro minus ang injured na si Dennis Santos.

Si Payawal ay may 17 points at five rebounds, habang si Hubalde ay may 15 points, nine rebounds at five assists.

Dahil sa kabiguan, nalugmok ang Valenzuela sa 7-7.

Ang MPBL, ang “Liga ng Bawat Pilipino”, ay itinatag ni Sen. Manny Pacquiao bilang bahagi ng kanyang grassroots basketball program.

Si PBA legend Kenneth Duremdes ang MPBL commissioner.

The scores:

Pampanga (85) — Viernes 13, Baltazar 12, Eguilos 11, Comception 10, Alcoriza 10, Serrano 10, Reyson 8, Santos 5, Flores 4, Garcia 2, Corteza 0, Gozum 0, De Leon 0, Binuya 0, Liwag 0.
Valenzuela (56) — Payawal 17, Hubalde 15, Montuano 7, De Chavez 6, Macion 5, Manliguez 2, Armenion 2, Dela Cruz 2, Mohammad 0, Martin 0, Rivera 0, Lepalam 0, Santos 0, Quinahan 0, Diego 0.
Quarterscores: 23-13, 41-26, 61-41, 85-56.