Calendar
Tsino sinita sa pag-ihi, naaresto sa droga
SA likod ng malamig na selda ang bagsak ng Chinese national nang mabuking na may dalang drug paraphernalia na plastic bag, improvised glass pipe at plastic na bote na may bahid ng ilegal na droga nang mahuli pagkatapos takasan ang mga pulis na sumita sa kanya habang umiihi sa public area noong Biyernes sa Pasay City.
Pumapalag pa si alyas Huang nang makorner ng mga tauhan ng Mall of Aisa (MOA) Police Sub-Station na humabol sa kanya matapos tumakbo dakong alas-12:30 ng madaling araw nang sitahin habang umiihi sa CBP Compound, Coral Way, Brgy. 76, Zone 10.
Ayon kay Pasay police chief P/Col. Samuel Pabonita, titiketan lang ng kanyang mga tauhan ang dayuhan pero tumakas at pumalag pa sa mga pulis.
Dahil tumakas at natimbog, isinailalim ng mga pulis sa inspection ang subject at doon nakuha ang mga illegal na epektos na dala niya.
Iniutos na ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete kay Col. Pabonita na sampahan ng mga kasong paglabag sa umiiral na ordinansa, Resistance and Disobedience to a Person in Authority at Possession of Drug Paraphernalia ang dayuhan at ipagbigay-alam na rin sa embahada ng People’s Republic of China.