Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Tulfo1

Tulfo humingi ng paumanhin sa mga nasabi

37 Views

NAGLABAS ng pahayag si Sen. Erwin Tulfo kung saan humingi sya ng paumanhin sa kanyang naunang sinabi at nanawagan ng pagkakaisa sa gitna ng gulo sa Senado.

Ang kanyang pahayag:

“Nitong mga nakaraang araw, nasaksihan natin ang matinding tensyon at emosyon sa loob ng Senado.

Bilang pagkilala sa mataas na institusyong aking kinabibilangan, lubos akong humihingi ng paumanhin sa aking mga kasamahan sa aking mga naging marahas na pahayag ukol sa pagpapaaresto, pagkwelyo, at pagbibitbit kay Senador Cayetano at sa ilang indibidwal palabas ng session or plenary hall.

Hindi po ito ang dapat na asal ng isang opisyal lalo na ng isang senador.

Ang mga salitang iyon, bagaman hindi nararapat sa harap ng publiko, ay dala ng bugso ng damdamin sa hangarin na huwag nang maantala pa ang trabaho para sa bayan.

GAYUNPAMAN ITO AY MALI PA RIN.

Humihingi rin ako ng kapatawaran sa ating mga kababayan. Dahil sa mga nagdaang hidwaan, natapos ang sesyon nang hindi umuusad ang mahahalagang batas. Nang dahil sa bangayan, naging paralisado ang ating mandato. Ang mga Pilipino ang tunay na talo dito.

Kaya nananawagan po ako sa aking mga kapwa Senador: Tapusin na ang pagkakawatak-watak. Dahil sa labas ng senado ilan sa atin ay magbabarkada, magkumare o magkumpare naman . KAYA, TRABAHO NA LANG TAYO.

Magbalangkas na ng mga batas, mag-imbestiga sa mga iregularidad nang walang kinatatakutan, at unahin ang kapakanan ng bawat Pilipino. Ang pagkakaisa ay hindi nangangahulugang pag-atras sa laban; ito ay ang pagsasama-sama ng ating lakas upang protektahan ang sambayanan.

Sa panahong ito ng pagsubok, itabi natin ang personal na interes. Ipanalo natin ang Pilipino. Magkaisa tayo para sa maibalik ang integridad at tatag ng Senado.