British Ang Britisn national nang maaresto ng MPD sa NAIA. Kuha ni JONJON C. REYES

Turistang British inaresto sa NAIA sa paglabag sa VAWC

Jon-jon Reyes Aug 21, 2024
62 Views

PINIGIL ng mga awtoridad ang isang 48-anyos na British national sa Ninoy Aquino International Airport sa Terminal 3 makaraang arestuhin ng Women and Children Concern Section ( WCCS) ng Manila Police District dahil sa paglabag umano sa Violence Against Women and Their Children Lunes ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Alyas “Michael” Langstaff , tubong Scotland British, binata ,turista, ng Kasoy Ext., Zone 1,Village, North Signal Taguig,Southern NCR.

Ang suspek ay naitalang Most Wanted Person (District Level).

Base sa ulat ni Police Captain Veronica Apresurado hepe ng WCCS ,na pinangasiwaan ni Police Colonel Orlando Mirando Jr., chief ng Directorate for Investigation and Detective Management Division( DIDMD), bandang 11: 55 ng gabi nang makorner ang dayuhan sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City

Ayon sa reklamo ng isang Pinay, bukod sa naging asawa siya ng suspek ay may tatlo pa umanong karelasyon ang suspek na mga Pinay

Dahil dito, napilitang maghain ng reklamo ang ginang nang malaman na lalabas ito ng bansa kasama ang isa pa umanong kasintahan ng dayuhan.

Sa ikinasang warrant of arrest natimbog ang dayuhan matapos mag-isyu si Judge Byron Gabbuat San Pedro, ng Family Court, Branch 15 ng Taguig City na may petsang January 2023, sa kasong paglabag sa Section 5 ( i) ng Republic Act 9262.

Naaresto ang dayuhan sa tulong ni Police Lieutenant Colonel Gerard Hernandez, ng NAIA Police Station 3.

Napag-alaman sa rekord ng korte na kinakailangang maglagak ng piyansang P72,000.